Wish Ko Lang

12:15 AM

Ang dami kong kwento. Andyan ung interview kay Joey Albert, landscaping ng garden ni Ai-ai DLA, ...pero syempre dahil pagod na ako, hindi ko na makwekwento lahat. Heto kelangan kong isulat. In the words of hazel "you chose not to be with me. panindigan mo." Nasabi ko na din yun. "The only reason why he is being nice to you because he wants to ease his guilt." May point nga naman. Ganun nga kaya? Syempre hindi ko muna malalaman. At meron pa pala. Dami ko na-meet ngayon. Isa na dun si Tina, owner ng isang shop sa independent lifestyles sa Rockwell (sale dun ngayon at dun ako nagpakapagod umikot with haze habang nagbabantay sa tindahan nila). She was preggy and she looked really nice. August daw siya due. Baby boy daw. Wala lang. Ang cute niya kasing buntis.

Dami words of wisdom ni haze ngayon. although, magkaiba kami ng personality at paniniwala, parang gusto ko na pareho na lang niya ako. Siya mas minahal niya pet cat niya kesa sa ex niya. Tapos, nasustain niya galit niya. Ang hirap nga kasi i was raised to be forgiving. More importantly, sabi niya sakin "hindi ka na naaalala nun. wag mo na isipin. Si *toot*log na iniisip nun" Pwet niya. Wala na siya mahahanap na katulad ko. Complicated man ako minsan, pagnagmahal ako, mahal ko. Buongbuo. Hindi lang puro pagpapacute.

Kaya magiging tycoon na lang ako kahit hindi ako instik. It is written in the stars and Twenty can attest to it. At ikaw na di alam na may blog ako, wag naman masyado ang mga tanong. Syempre pagtinanong mo ako kung ano sasabihin ko pagniyaya mo ako pakasal e di syempre sagot ko dun "duh" Labo mo teng. Hindi man lang leading yung questions mo. Nakakainis kasi walang sense. Pero sige lang. Patatawarin. Heto yung ayaw kong daanan pero dahil kelangan na, sige dadaanan. Sinabi ko na magpadala ng bulaklak sa office, gusto pa siya mismo magdadala. May balak pa magkunyaring delivery boy. ang corny. hindi ko pa naman hinihingi yung "humiliate yourself." Pagmahaba na buhok ko at lasengga na ako ulit, sige, hihingin ko din yun. Pero hindi lang ganun. sana naman matapos na itong kaguluhan na ito sa mundo ko. gusto ko lang ng peace and quiet.

You Might Also Like

2 comments