Paghihiganti (The Killer in Me)

7:39 PM

Natrauma yata ako. Ang laking daga. Mga size na ng paa ko. Size 7 ako. Ang akala ko mga bubuwit lang ang mahuhuli ko kasi naman maliit lang apartment namin so kung may malaki, makikita dapat agad. E simpleng glue board lang naman yun. putsa. dumikit siya. nalaman ko kasi may nag-iingay na parang nagpapanic. e pero parang ANG LAKI naman ng nagpapanic na yun for a bubwit. BULAGA! Ang laking daga na nakadiki paa sa board. Mabilis pagkilos ko. Kinuha ko ang dustpan "Kailangang dumikit katwan niya sa glue board para di na siya makaalis" Parang hindi naman tagalog yung naisip ko pero yun yung thought. e kaso kamo. malaki. nadikit ko man siya sa glue board, so sobrang likot, nakawala. Ang pangkakamali lang niya, tumakbo siya papunta sa long-sleeves na Raymac ng kapatid ko. Dumikit siya dun. Siguro nadiliman kasi black ang tela. hinid makaalis. Iniwan ko. Nag-isip himingi ng tulong sa kapitbahay para hampasin siya. Syet. Lumipat na nga pala sila. Bakit ako nag-iisa dito ngayon? Bumalim ako. Nabalot na buong katawan niya sa tela. Kinuha ko ang bote ng Pop litro. Syet sori. Kailangang kitang patayin. Hindi ko sure pero malamng kamag-anak mo o ikaw mismo kumagat kay Vey at sa kapatid ko. Tinakpan ko bibig ko. Syet bakit bibig ko? Hinampas kita. Sumigaw ka. Mas mahigpit na takip ko sa bibig ko. HInampas kita ulit. Isa pa. Isa pa. hanggang dika na gumagalaw. Sorry. Hindi ko sinadya na dumikit ka pero buti na lang. Pakisabi sa mga kapamilya mo na wag na dito sa bahay mamasyal. Ayaw ko na pumatay. Nakakapanghina.

You Might Also Like

2 comments