Kwento mode na ito.

1:32 PM

Kelangan ko na ng bagong computer chair. Sa sobrang bigat ng mga kapatid ko, lumusot na ung pipe sa ilalim so kumakaskas sya sa wooden floor. ang pangit tuloy ng floor. naiinis ako. tapos kanina, iniwan ung massage oil bottle sa floor e di pala sinara ng maayos. kaya ayun kalahati na kasi natapon slowly. nakakainis. tapos ang taas pa ng kuryente namin. e ako naman nagbabayad. bakit pa ba kasi nauso yang RPG na yan? naiinis na talaga ako.

Tapos na ako maglaba ng mga damit ko. Bukas ko na lang lalabhan damit ng kapatid ko. Mga Kapatid pala kasi dalawa sila.Washing machine naman un e. Mabigat kasi e. Sisingilin ko na lang sya ng fee para sa kuryente at effort. Ayoko na maglinis ng bahay. pagod na ako. At hello, di lang naman ako nakatira dito. bakit kelangan lagi ako? may mga hugasan pa sa sink. shet. masakit na kamay ko. hirap maging chimay na walang bayad. mag-isa na naman ako sa bahay. nasa tapat na naman ako ng PC. dapat may sinusulat akong raket pero wala pa ako sa mood. ano ba ito...lagi ko na lang pinu-put off ang pagsusulat nun. siguro kasi di pa ako nakakapagupit. magpakulay kaya ako ng buhok?

Image and video hosting by TinyPic heto. kilala niyo ba ito? magkikita kami nito within this week. siguro mamaya. sana di niya binabasa blog ko di ba? makikita nya sarili nya dito. sana singer na lang sya ng isang band. or star sa isang koreanovela. para hanggang dun na lang.

Image and video hosting by TinyPic Kamusta na kaya ang mga nasa picture na ito? Miss ko na ung mga days na nanood tayo sa laptop ng Lovers in Paris sa office. Nakatalikod pa PC sa rest of the world un pala nakikita sa reflection sa glass cabinet sa likod. hahaha

Sana, makaalis na ako ng pinas for good. sana makalimutan ko na lahat ng inis at miss na nararamdaman ko ngayon.

You Might Also Like

1 comments